Malungkot na Tula at Tagalog ito..

3:20 PM

ewan ko ung 1st 3 lines pumasok sa isip ko before bed.. tinrip ko lng dagdagan ndn.. wla akong maisip na title.. ndi rin ako nagsusulat lgi ng tula.. at first time ko ata magsulat ng tula sa tagalog.. kadalasan English.. and if i write it's usually not about me.. its for a special person..


Malungkot na Tula

Mga tanong na wlang kasagutan
Mga salitang hindi mabitawan
Mga kilos na sadyang hindi maunawaan
At bugso ng damdaming pigil na pigil

Tila pisi na ang dulo’y mahirap muling pgdugtungin
Tila tubig na walang kasiguruhan saan dadaloy

Tila kandilang unti-unting inuupos ng init, pinapatay ng lamig ng hangin..
Tulad ng luha ng kalangitang dulot ay ulan, na pagtila ay di alam kung kailan


Labi ay pilit itikom, ngppumiglas sumambit..
umiibig, umaasa, humihiling, ninanais muling maging malapit..
Mata ay pilit ipikit
di nais makitang lumalayong pilit

Nghahanap ng init
Nghahanap ng tamis
Naghahanap ng linaw
Naghahanap ng dahilan

Na masabing ang lahat ng nagdaan
Ay katotohanan
At hindi isang panaginip lamang

You Might Also Like

0 comments